-- Advertisements --

Nanawagan ngayon ang Teachers’ Dignity Coalition o TDC sa mga otoridad na masusing imbestigahan ang pamamaril patay sa isang guro sa Balabagan, Lanao del Sur kamakailan.

Sa isang pahayag, sinabi ng grupo ang insidenteng ito ay talagang nakakabahala lalo na sa iba pang mga guro sa bansa.

Maalalang naganap ang pamamaril sa guro isang parehong linggo matapos ang pamamaril sa isang paaralan sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Umaasa naman ang naturang grupo na magiging wake-up call ito sa pagpapaigting ng proteksyon sa mga guro at mag-aaral sa bansa

Umapela ang TDC sa gobyerno na maglaan ng sapat na pondo para sa seguridad sa mga paaralan, kabilang ang pagtatalaga ng security personnel, pagkakaloob ng kagamitan, at pagpapatupad ng mahigpit na polisiya.

Napapanahon na rin aniya ang “whole-of-society approach” upang mahinto na ang mga palalang-palala na lumalalang kultura ng karahasan sa komunidad sa Pilipinas.