-- Advertisements --

Hinikayat ng Department of Agriculture (DA) ang publiko na ikonsiderang alternatibo muna ang manok dahil sa mataas na presyo ng isdang galunggong.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. , na naging mataas na ang presyo ng mga imported na galunggong na naglalaro mula P280 hanggang P350 kada kilo.

Habang ang mga lokal na galunggong ay naglalaro mula P300 at aabot pa ng P400 kada kilo.

Dagdag pa nito na nagkakaroon ng problema ng suplay ng nasabing isda dahil sa closed fishing season.

Hindi pa nito matiyak kung hanggang kailang bababa ang presyo ng nasabing isda kaya mabuting maging alternatibo ang manok.

Maaaring bumaba na rin ang presyo ng isda kapag dumating na sa bansa ang import shipment na naantala ang pagdating dahil sa sama ng panahon.