-- Advertisements --
Arestado ang 33 katao sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, Pampanga, at Tarlac dahil sa paglabag sa nationwide liquor ban kaugnay sa nagaganap na halalan, ayon sa Police Regional Office-Central Luzon (PRO-3).
Ang liquor ban, na ipinatupad mula hatinggabi ng Linggo hanggang hatinggabi ng Lunes, ay bahagi ng mandato ng Commission on Elections (Comelec) upang matiyak ang mapayapa at maayos na eleksyon. Ipinagbabawal nito ang pagbebenta, pagbili, at pag-inom ng alak sa publiko.
Ayon sa PRO-3, sinampahan na ng kaso ang mga lumabag alinsunod sa Comelec Resolution No. 11057 ng Omnibus Election Code.
Hinimok ng PNP ang publiko na sumunod sa mga patakarang may kinalaman sa halalan upang masiguro ang ligtas at tapat na halalan sa buong Central Luzon.