-- Advertisements --

Naglabas ng dalawang arrest warrants ang Sandiganbayan laban kay suspended San Simon, Pampanga Mayor Abundio Punsalan Jr.

May kaugnayan ito sa kasong graft at malversation of public funds dahil sa pagbili ng lupain noong 2023.

May petsa ang warrant noong Nobyembre 17 kung saan ang kasong graft ay mayroong piyansa na P90,000 habang ang ibang mga kasong kriminal ay walang pinapayagang piyansa.

Pirmado ni First Division acting chairperson Bayani Jacinto ang nasabing warrant of arrest.

Una ng pinatawan ng Office of the Ombudsman si Punsalan ng anim na buwan dahil sa grave misconduct.

Ang pinakahuling kaso ay ang pagbili ng P45-milyon na pribadong lupain ng walang otorisasyon mula sa municipal board.