-- Advertisements --

Naghahanda ang Kamara de Representantes para sa pormal na turnover ng panukalang 2026 National Expenditure Program (NEP) mula sa Department of Budget and Management (DBM).

Nagpulong ang mga opisyal ng Kamara at DBM upang talakayin ang mga detalye ng turnover, na pansamantalang itinakda sa Agosto 13.

Ito ay batay sa Konstitusyon na nag-uutos sa Pangulo na magsumite ng badyet sa loob ng 30 araw mula sa pagbubukas ng regular na sesyon ng Kongreso.

Binigyang-diin ni House Secretary General Reginald Velasco ang kahalagahan ng maayos na turnover ceremony, na ila-livestream sa social media ng Kamara at DBM.

Magkakaroon din ng press conference upang talakayin ang mga detalye ng panukalang badyet para sa 2026.