-- Advertisements --

Planong mailunsad ng kasalukuyang alkalde ng Maynila na si Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso ang rehabilitasyon ng Golden Mosque sa lungsod.

Sa naganap na pagkikita ng alkalde at ni Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman, napagdiskusyunan ang proposal na maisakatuparan ang ‘revival’ ng Golden Mosque Complex sa bahagi ng Quiapo.

Pati ang pagkakaroon din ng Halal Town sa Maynila ay kabilang rin sa planong maisagawa bilang paghahanda o bago man ang nakatakdang hosting ng bansa sa ASEAN Summit sa susunod na taon.

Kung kaya’y mismo si Sec. Pangandaman ay naghayag ng kahandaang suportahan ang proyekto matupad lamang ang konspetong proyekto ng lokal na pamahalaan ng lungsod.

Alinsunod din aniya ang mga inisyatibong pagsasaayos o restoration sa instruksyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at first lady Liza Araneta-Marcos na mapaganda ang mga historic site.