-- Advertisements --

Mahigit 30% ng kabuuang paggastos ng pamahalaan ang naging pambayad-utang ng bansa, sa halip na mailaan sa mga kasalukuyang proyekto.

Ayon sa data ng Freedom from Debt Coalition, nakalulungkot na malaking bahagi ng pera ay nauubos sa debt servicing.

Kung tutuusin, maaari sanang magamit ang pondong ito sa mas mahalagang programa gaya ng edukasyon, kalusugan, at napapanahong imprastruktura.

Pinuna rin nila ang Automatic Appropriations Law na nag-uutos na awtomatikong may nakalaang pondo para sa utang bago sa ibang gastusin.

Sa 2026 national budget, mahigit P1.9 trilyon ang inilaan para sa debt service.

Ayon sa Department of Budget and Management, bahagi ito ng estratehiya para mapanatili ang fiscal sustainability at mabawasan ang budget deficit.

Naniniwala ang grupo na dapat nang repasuhin ang batas upang mas mabigyan ng prayoridad ang serbisyong panlipunan kaysa sa pagbabayad-utang na mula pa sa mga nakaraang administrasyon.