-- Advertisements --

Umabot sa 1,156 ang karagdagang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na naitala sa Pilipinas ngayong araw.

Sa pinakahuling datos mula sa Department of Health (DOH), pumalo na sa 452,988 ang kabuuang COVID-19 cases sa bansa.

baclaran church residents COVID people

Nanguna sa mga lugar na may pinakamaraming naitalang kaso ang Davao City na may 125; na sinusundan ng Quezon City, Rizal, Bulacan, at Maynila.

Samantala, mayroon namang 425 naitalang bagong gumaling sa sakit, kaya umakyat pa sa 419,282 ang bilang ng mga recoveries.

May panibago namang 21 na nadagdag sa death toll, na sumirit pa sa 8,833.

Maliban dito, pitong duplicates ang inalis sa total case count kung saan tatlong recovered cases at isang death case ang inalis.

May pitong kaso rin na dating nakalista bilang recovered ang ni-reclassify bilang deaths.

Limang laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 Data Repository System kahapon.