Dr Li Wenliang
Dr Li Wenliang/ Twitter image

Pumanaw na ang Chinese whistleblower doctor na nagbabala sa publiko tungkol sa bagong “SARS-like” disease na tinawag ngayon na coronavirus.

Si Dr. Li Wenliang, ay namatay matapos dapuan ng coronavirus.

Itinakbo ito sa pagamutan noong Enero 12 matapos na mahawaan ng kaniyang pasyente na nakumpirmang mayroong coronavirus.

Noond Disyembre 2019 ay nagbabala si Li sa nasabing pagkalat ng bagong virus.

Kinuwestiyon pa ito ng mga local health authority at pinatawag pa siya ng mga kapulisan dahil sa inakusahan ito na nagpapakalat ng tsismis na nagdudulot ng takot sa publiko.

-- Advertisement --

Kinumpirma rin ng World Health Organization ang nasabing pagkasawi ni Dr. Li.