Muling binigyang diin ng Department of Defense (DND) ang posisyon ng Pilipinas pagdating sa usapin ng territorial disputes sa West Philippine Sea (WPS).
Malinaw aniya na ito ay hindi paghahangad o pagsisimula ng isang giyera bagkus ay pagpapakita lamang ng kahandaan na kayang gawin ng Pilipinas ang lahat upang ipagtanggol ang sovereign rights nito sa kaniyang territorial waters.
Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro ang kanilang paninidigan sa usaping ito ay hindi nagpapakita ng agresyon dahil ito ay isang sinumpaang tungkulin ng bawat mamamayan.
Matapos nito ay muling inihayag ng kalihim ang mga naging naunang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bagamat pangunahing layunin ng Pilipinas ang makapagbigay at mapanatili ang kapayapaan ay hindi dapat balewalain ang mga aksyon ng panghaharass at maging ang iligal na presensya ng mga barko na pagmamayari ng China.
Samantala, tiniyak naman ni Teodoro na maliban sa mga military personnel at iba pang ahensya na kasama nila para maprotektahan ang soberaniya ng bansa ay katuwang din nila ang Pangulo para ipagtanggol ang mga teitoryo nito.