Nakatakda nang magsampa ng mga kriminal at administratibong kaso ang tanggapan ng Department of Migrant Workers (DMW) laban kay dating Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Chief Arnell Ignacio.
Ito ay bunsod pa rin sa naging maanomalyang land aquisition deal sa ilalim ng liderato ni Ignacio na napagalamang hindi dumaan sa tamang proseso at walang proper authorization.
Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, hindi lamang si Ignacio ang mananagot sa batas ngunit maging ang ilan pang mga OWWA Officers na sangkot sa transaksyon na ito.
Samantala, matatandaan naman na tinanggal na sa kaniyang pwesto bilang OWWA Chief si Ignacio dahil sa transaksyon na ito at dahil rin sa ‘loss of trust and confidence’ ng DMW officers at Board of Trustees sa kaniyang liderato na mayroong anim na violations.
Ilan sa mga violations na naitala sa ilalim ng pamumuno ni Ignacio ay ang hindi otorisadong paggamit ng P2.4 bilyong emergency repatriation funds na na-convert bilang capital outlay, maging ang naging pagpirma sa deed of sale ng lupa at ang pagpapatuloy ng transaksyon ng walang board clearance.
Naitala rin na nagkaroon rin ang acquisition deal ng mga undisclosed lease contracts, post-sale rental collections, at ang pagiging bigo na magkaroon ng buong pagmamayari ang OWWA sa nabiling lupa sa kabila ng pagiging fully paid ng transaksyon.
Samantala, kasunod nito ay nangako naman ang kalihim na ms palalakasin nila ang pagpapatupad ngvtransparency at clean governance para sa mas katiwa-tiwalang serbisyo ng kanilang tanggapan at mga kabit na ahensya para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW’s).
Binigyang diin rin ng kalihim ang kahlagahan ng itegridad, at transparency sa pagbibigay ng pampublikong serbisyo partikular na sa pagprotekta sa pondo ng bayan.