-- Advertisements --

Nakahanda na magsampa ng kaso ang Department of Migrant Workers (DMW) kay former Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnell Ignacio matapos na mapagalaman ang hindi otorisadong P1.4 bilyong halaga ng isang land acquisition deal.

Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, inihahanda na ng kanilang legal team ang mga kaukulang kasonghaharapin ni Ignacio at ng iba pang mga personalidad na sangkot sa naturang deal.

Ayon pa sa kalihim, gagamitin sana ni Ignacio ang lupa para makapag-patayo ng isang ‘half-way house’ na layon naman umanong mag-accommodate ng mas malaking bilang ng mga overseas filipino workers (OFW’s).

Inilantad din ni Cacdac na animna critical counts ang naging isyu sa proposal na ito ni Ignacio dahilan para hindi ito pumasa sa OWWA Board of Trustees ngunit sa kabila nito ay natuloy pa rin ang deed of sale.

Samantala, handa namang magkasa ng imbestigasyon kaugnay dito ang bagong naitalagang OWWA Chief na si Administrator Patricia Yvonne Caunan kung saan sasailalim sa matinding auditing ang naturang proyekto.

Sa kabilang banda ay hindi naman muna nagbigay ng kahit na anong komento si Ignacio tungkol sa mga paratang na ito.

Kaugnay pa rito ay sinibak na rin sa pwesto si Ignacio due to ‘loss of trust and confidence’ ng ahensya sa kaniya matapos ang pagpapatuloy ng hindi otorisadong proyekto sa ilalim ng ahensya.