Patuloy ang pagtaas ng cash remittances mula sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs), na umabot sa US$2.98 bilyon nitong Agosto 2025, mas mataas ng 3.2% kumpara sa US$2.89 bilyon noong Agosto 2024.
Ang mga land-based OFWs ang nag-ambag ng US$2.35 bilyon habang US$626 milyon naman ang mula sa sea-based workers.
Sa kabuuan mula Enero hanggang Agosto 2025, umakyat sa US$22.91 bilyon ang remittances, mula sa US$22.22 bilyon noong nakaraang taon.
Nanatiling pangunahing pinagmumulan ng remittances ang Estados Unidos, na sinundan ng Singapore at Saudi Arabia.
Dahil sa pagtaas ng cash remittances, tumaas din ang personal remittances sa US$3.31 bilyon mula sa US$3.20 bilyon noong Agosto 2024.
Sa kabuuang tala, umabot sa US$25.51 bilyon ang personal remittances mula Enero hanggang Agosto 2025, mas mataas ng 3.1% kumpara sa parehong panahon noong 2024.