Iginiit ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac na puno ng anomalya at iligal ang land acquisition deal ni dating Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Chief Arnell Ignacio, taliwas sa pahayag ni Ignacio na dumaan ito sa legal na proseso.
Ani Cacdac, na-bypass Ignacio ang pag-apruba ng mga DMW official at OWWA Board of Trustees, kaya kuwestiyonable ang legalidad ng deal.
Aniya, sa ilalim ng batas, kahit anong transaksyon at mga subsequent modifications na may kaugnayan sa mga proyekto ng OWWA ay dapat munang ipakita at humingi ng approval mula sa mga Board of Trustees kabilang na dito ang mga DMW representatives.
Giit pa ng kalihim, Kinumpirma ng board na hindi nila napag-usapan o naipaliwanag sa kanila ang proposal at desisyon sa pagbili ng lupa. Bukod pa rito, natuklasan rin ng departamento at ng mga trustees ang mga anomalya sa proseso, kabilang ang pag-refund ni Ignacio ng bilyon-bilyong halaga na ginamit sa deal.
Batay rin sa orihinal na dokumento, malinaw na pinanagot ang OWWA para sa tax na kaakibat ng pagbili sa lupa, ngunit sa isang sumunod na bersyon, inilipat ang obligasyong ito na nagresulta sa bayad na P36 milyong halaga. Ang mahalagang pagbabagong ito ay ginawa nang hindi alam o naaprubahan man lamang lupon.
Sa ngayon, pinalawak na ng DMW ang kanilang imbestigasyon partikular na sa naging tax asoects ng kasunduan kung saan nakikipagugnayan na ang mga opisyal sa Bureau of Internal Revenue (BIR) upang malaman kung anong uri ng buwis ang ginamit ng nagbenta na isang realty corporation.