Kasalukuyan nang sinisilip ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang mga financial transactions ng mga contractors na iniuugnay sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa umano’y maanomalyang flood control projects sa bansa.
Ayon kay AMLC Executive Director Matthew David, bahagi ng mandato ng AMLC ang pagsisiyasat ng mga transaksyon na iniuugnay sa usapin na ito.
Tiniyak din ni David na kasalukuyan na silang nakikipagtulungan sa pamahalaan at maging sa mga law enforcement agencies kabilang na ang Ombudsman, Bureau of Internal Revenue (BIR) at maging sa National Bureau of Investigation (NBI) para masiguro ang komprehensibong uat ng mga financial statements kaugnay sa mga maanomalyang proyekto na ito.
Samantala sa ilalim ng AMLA, posibleng maharap ang mga indibidwal na mapagaalamang sangkot sa mga anomalya sa mga offenses na corruption, tax evasion, at maging smuggling.