Inaasahan na ng Department of Trade and Industry (DTI) na babalik na sa operasyon ang ilang mga kainan na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Ayon kay DTI Secretary Mon Lopez, na posibleng sa mga susunod na linggo ay payagan na ng gobyerno ang mga dine-in services ng ilang mga kainan na nasa GCQ areas.

Ang mga kainan kasi ng nasa modified GCQ areas ay pinayagan ng mag-operate basta sundin ang ipinapatupad na protocols.

Dagdag pa ng kalihim na nilalakad na niya ang dine-in service ng mga kainan sa GCQ areas at inaasahan na maaprubahan na ito ng Inter-Agency Task Force.