Sisimulan na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagbibigay ng mga show-cause order sa ilang opisyal ng local government units (LGUs) sa buong bansa na nabigong ipatupad ang road clearing operations.

Sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya, na ito ay matapos na mapasakamay na kay DILG Secretary Eduardo Año ang ginawang assesment ng DILG.

Tanging mga mayroong bagsak na ratings na mga local government units officials ang kanilang pagpapaliwanagin.

Magugunitang, mula noong Hulyo 29 ng inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang DILG na bigyan ng 60-araw ang mga LGU na ibalik sa taumbayan ang gilid ng kalsada sa pamamagitan ng paglilinis ng mga bangketa.