Nakatakdang bumili ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng mas marami pang patrol vehicles para mapabilis pa ang pagresponde ng mga kapulisan.
Ginawa ng Philippine National Police (PNP) ang pahyag kasunod ng isinagawang command conference ng pambansang pulisya kasama si DILG Secretary Jonvic Remulla.
Ayon sa PNP, sasagutin ng DILG ang pagbili ng mga sasakyan na gagamitin sa pagpapatroliya para matiyak ang police visibility at mobility na mahalagang hakbang para suportahan ang bagong 5-minute response time strategy.
Nauna na ngang itinakda ni PNP chief Gen. Nicholas Torre III kasabay ng kaniyang pormal na pag-upo sa pwesto ngayong Hunyo na gawing 5 minuto lamang ang response time ng hanay ng kapulisan sa mga tawag sa 911 emergency hotline.