-- Advertisements --

Nanindigan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi nila kikilalanin ang pag-upo o panunumpa sa pwesto ng mga nahalal na opisyal na bigong makapagsumite ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) o statement of campaign expenses

Sa isang statement, sinabi ng DILG na sa ilalim ng batas, nakasaad na walang opisyal ang dapat na mag-assume sa pwesto hanggang sa maisumite ang kinakailangang SOCE alinsunod sa mga patakarang itinakda ng Comelec.

Kaugnay nito, inatasan ng ahensiya ang lahat ng regional at field offices na makipag-ugnayan sa Comelec para sa verification bago mag-assume sa pwesto sa local levels.

Nagbabala din ang ahensiya na maaaring magresulta sa administrative fines ang kabiguang magsumite ng SOCE.

Binigyang diin ng DILG na nagpapakita ng transparency at pananagutan ang pagsusumite ng SOCE at sa paggamit ng campaign funds para mapanatili ang integridad at tiwala ng publiko sa proseso ng halalan.

Ginawa ng DILG ang pahayag bilang parte ng mandato nito na i-supervise ang mga lokal na pamahalaan at ipatupad ang mga batas at polisiya may kaugnayan sa halalan.