-- Advertisements --

Nais hilingin ng Commission on Elections (Comelec) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr na suspendihin ang pasok sa paaralan at klase sa darating na Nobyembre 3 para mabigyan ng sapat na panahon ang mga botante sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) para sa halalan na gaganapin sa Nobyembre 2.

Sinabi ni Comelec chairman George Garcia na tiyak na mag-uuwian na ang mga karamihan matapos ang obserbasyon ng Undas.

Kapag mayroong pasok sa Nobyembre 3 ay tiyak na mag-uuwian na ang mga botante at hindi na makakaboto sa Nobyembre 2.

Magsisimula ang filing ng certificate of candidacy sa mga tataikbo sa barangay at SK mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 5.

Habang itinakda ang election period mula Oktubre 3 hanggang Nobyembre 9.