-- Advertisements --

Pumanaw na ang kilalang Nepalese mountain climber na si Nirmal Purja.

Kinumpirma ng mga otoridad ang kamatayan ng 43-anyos na climber matapos ang naganap na avalanche sa Himalayas.

Nakagawa ng kasaysayan si Purja sa mga nagdaang taon dahil sa pag-akyat sa may pinakamataas na bundok.

Kasama si Purja sa 10 mountaineer na unang naiulat na nawawala matapos ang avalanche na naganap sa Broad Peak sa northern Pakistan.

Kasamang nasawi sina Omani climber Nadhira Al Harthy, Nepali climber Pur Bahadur Gurung “Yukta” at US climber Sarah Mallory Geis.

Patuloy na hinahanap ng mga otoridad ang ibang mga nawawalang climber.