Suspendido ang ilang klase sa bansa ngayong Martes, Agosto 4, dahil sa inaasahang epekto ng low pressure area (LPA) at pinalakas na southwest monsoon o habagat.
Suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa Baguio City, Tublay sa Benguet; San Fernando City sa La Union; Alicia, Benito Soliven, Echague, San Agustin at Tumauini sa Isabela; Dupax del Norte at Santa Fe sa Nueva Vizcaya; Bataan, Nueva Ecija at Tarlac; gayundin sa Calumpit at Pulilan sa Bulacan.
Samantala, mula preschool hanggang senior high school ang suspendido sa Aritao, Nueva Vizcaya at San Ildefonso, Bulacan.
Ayon sa PAGASA, humina na ang Tropical Depression Luis at naging low pressure area (LPA) nitong Lunes ng gabi kaya ibinaba na rin ang lahat ng tropical cyclone wind signals sa Northern Luzon.
Gayunpaman, nabuo ang panibagong LPA sa West Philippine Sea malapit sa baybayin ng San Fernando City, La Union dahil sa interaksiyon ng mga hanging dala ng dating bagyo.
















