Prayoridad ng House of Representatives ang pagpasa ng makatwiran at konstitusyonal na batas laban sa political dynasty, ayon kay House Speaker Faustino “Bojie” Dy III.
Sinabi ni Speaker Dy, naipasa na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill No. 8389 o Anti-Political Dynasty Act noong Hunyo 3, mahigit tatlong buwan bago naglabas ng kautusan ang Supreme Court na ipatupad ng Kongreso ang 39-taong-gulang na mandato ng Konstitusyon.
Ipinasa sa Senado noong Hunyo 8 ang panukala, na pangunahing inakda nina Dy at Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos kasama ang 173 iba pang mambabatas.
Samantala, nakabinbin sa ikalawang pagbasa sa Senado ang nasabing Senate Bill No. 1901.
Noong Setyembre 16, sinabi ng Supreme Court na may obligasyong konstitusyonal ang Kongreso na magpasa ng batas laban sa political dynasty at inatasang gawin ito sa “pinakamaagang pagkakataon.”
















