-- Advertisements --

Nanindigan ang Commission on Elections (Comelec) na tuloy pa rin ang 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa darating na Nobyembre 2.

Ayon kay COMELEC chairman George Garcia, na hanggang wala pang batas na nagsasabing ipagpaliban ang halalan ay hindi sila titigil sa paghahanda sa halalan.

Magpapatuloy sila sa paghahanda lalo na ang pamamahagi ng mga election materials sa mga malalayong lugar.

Nangangailangan sila ngayon ng mas malinaw na desisyon ng hanggang Setyembre 28 para masimulan na ang pamamahagi ng mga election materials.

Ipinapaubaya na nito sa kamay ng mga mambabatas ang kapalaran ng BSKE kung ito ba ay matutuloy o maipagpapaliban.