Itinalaga sina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Rodante Marcoleta bilang chairpersons ng magkahiwalay na komite sa Senado sa kabila ng kanilang pagkakadetine. Si Estrada ang mamumuno sa Committee on Electoral Reforms and People’s Participation, habang si Marcoleta naman ang mamumuno sa Committee on Tourism.
Inanunsyo ang bagong committee assignments sa sesyon ng Senado. Pinalitan ni Estrada si Senate President Pro Tempore Tito Sotto III, na inilipat bilang chairperson ng Committee on Public Works.
Ipinaliwanag ni Senate President Win Gatchalian na nananatiling senador si Estrada sa kabila ng kaniyang pagkakadetine at 90-day suspension, kaya karapat-dapat pa rin siyang pamunuan ang isang komite. Aniya, ang vice chair ang mangangasiwa sa operasyon ng komite habang nakakulong ang senador.
Kapwa nakakulong sina Estrada at Marcoleta dahil sa magkahiwalay na kasong plunder kaugnay ng flood control controversy at kapwa itinanggi ang mga alegasyon laban sa kanila. Samantala, itinalaga rin si Sen. Imee Marcos bilang deputy minority leader. (Report by Bombo Jai)
















