Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na mayroong pangatlong Filipino seafarers ang nasawi dahil sa pag-atake sa Black Sea.
Sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac, na mayroong 236 Filipino sa 17 mga barko ang naapektuhan sa Black Sea dahil sa labanan ng Russia at Ukraine.
Bukod sa tatlong nasawi ay mayroong 15 mga sugatan at isang nawawalang seafarer.
Mayroon namang 217 na iba pa ang sinasabing ligtas na.
Mayroon ng 89 sa nasabing bilang na nakauwi na sa Pilipinas kung saan ang mga ito ay nakakalat sa Ukraine, Romania, Greece at Turkey.
Nabisita na rin kalihim ang mga kaanak ng mga nasawing Pinoy seafarers kung saan nagbigay na rin ang mga ito ng tulong pinansiyal.
Magugunitang ang unang seafarers ay nasawi noong Hulyo 6 habang ang pangalawa ay noong Hulyo 19.
















