PNP chief Oscar Albayalde
Philippine National Police chief General Oscar Alyalade

Nagsimula ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng imbestigasyon kay PNP chief Gen. Oscar Albayalde.

Sinabi n DILG spokesman Undersecretary Jonathan Malaya, na kahit na suportado nila si Albayalde ay hindi pa rin ito makakawala sa imbestigasyon.

Tiniyak din nito na magiging patas ang isasagawa nilang imbestigasyon sa PNP Chief.

Magugunitang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang DILG na imbestigahan ang pagkakasangkot ni Albayalde sa usapin ng ‘ninja cops’.