Nakatakdang makipagpulong ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa ilang opisyal ng Facebook Philippines sa susunod na linggo.

Ito ay para pag-usapan ang pagtanggal ng social media sites ng mga Facebook pages na mula sa gobyerno.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Ano, na tatalakayin dito kung paano ba ang hakbang na ginagawa ng Facebook para higpitan ang mga restrictions.

Makakatulong din aniya ang pagpupulong para masolusyunan ang paglaban sa mga fake news.

Magugunitang tinanggal ng Facebook ang ilang account na pag-aari ng mga militar at kapulisan sa bansa.