Malaya

Haharangin ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pag-upo sa puwesto ng mga nahalal na kandidato sa iba’t-ibang posisyon sa katatapos na eleksyon kapag hindi sila nagsumite ng kanilang ginastos.

Sinabi ni DILG spokesperson Usec. Jonathan Malaya na obligasyon ng mga kandidato na magsumite ng kanlang statement of contributions and expenses (SOCE) sa Commission on Elections kung saan ang deadline ay sa Hunyo 13.

Dagdag pa nito na ang pagsumite ng SOCE ay siyang kauna-unahang obligasyon na dapat tuparin ng mga kandidato.

Nakasaad sa SOCE ang kabuuang ginastos ng mga kandidato sa mga cash donations kabilang na ang mga nagastos mula kontribusyon.