-- Advertisements --

Pupulungin ni Department of Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla ang mga alkalde sa National Capital Region upang pag-usapan ang komprehensibong pagtugon sa malawakang pagbaha sa Metro Manila.

Nakatakda ang naturang pulong bukas, August 1, kung saan tatalakayin dito ang kumprehensibo at institutionalized approached sa pagtugon sa mga pagbaha, kasama na ang maayos na waste manegement.

Ayon kay Remulla, dahil sa hindi episyenteng pagpaplano para sa tamang management sa mga basura sa nakalipas na 30 taon, nahihirapan na ang mga lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng akmang waste collection.

Giit ni Remulla, kailangan ng sistematikong sistema upang maihanay ang lahat ng Metro Manila at magkaroon ng isahan at epektibong waste management.

Una nang ipinag-utos ng kalihim ang ‘full blast investigation’ sa umano’y hindi tamang paggamit ng pondo para sa public infrastructure tulad ng mga flood control project kasunod ng ika-4 na Ulat sa Bayan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes (July 28).

Ayon kay Remulla, tututukan ng DILG ang mga alegasyong may nangyayaring korupsyon at hindi akmang paggamit ng public funds sa mga government project.

Titiyakin aniya ng DILG na bubuksan ang lahat ng anggulo sa isasagawang imbestigasyon.