Inaasahan ng Deparment of Social Welfare and Development (DSWD) na magiging mas mabilis ang pamamahagi ng ikalawang tranche ng social amelioration program (SAP) sa mga beneficiaries.

Nasa 12 million household mula sa Metro Manila, Cebu City at Laguna ang makakatanggap ng ikalawang bahagi ng SAP dahil nauna ng inilagay sa general community quarantine (GCQ) ang ibang lugar.

Sinabi ni DSWD Sec. Rolando Bautista, kabilang sa kanilang balak gagamitin ang digital payments para mapabilis ang pamamahagi ng SAP.

Ayon kay Sec. Bautista, sisikapin ng DSWD na tatapusin ang distribusyon ng ayuda sa loob ng buwan ng Hunyo.

Sa mga miyembro ng 4Ps na tumanggap ng SAP, ibabawas umano ang kanilang natanggap na ayuda sa kanilang monthly allowance sa 4Ps.