-- Advertisements --
Plano ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na maglabas ng implementing rules and regulations (IRR) sa loob ng 30-arae ng Konektadong Pinoy Act.
Layon ng nasabing batas ay para makahikayat ng mga bagong Internet Service Providers sa bansa.
Sinabi ni DICT Secretary Henry Aguda, na magpapatawag ito ng industry summit na magtatagal ng dalawang araw para makumpleto ang IRR na Konektadong Pinoy Law.
Mayroon na silang inihandang draft ng IRR bago mag-lapse sa batas ang nasbing panukala.
Ito ay kanilang ipipresenta sa mga telecommunications companies tuwing summit.