-- Advertisements --

Walang naitalang Filipino na nasaktan sa pagtama ng magnitude 8.8 na lindol sa Russia.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Robert Ferrer, na patuloy ang kanilang ginagawang monitoring sa Kamchatka Peninsula kung saan sentro ang lindol.

Maging ang mga apektado ng tsunami ng alerts ay kanilang minomonitor sa mga Filipino mula sa New Zealand, Hawaii at sa west coast ng Estados Unidos.

Nagpapatuloy din ang ginagawa nilang panawagan sa mga Pinoy sa ibang bansa na makipag-ugnayan sa mga opisyal ng gobyerno sa kinaroonan nila.