Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga pamilya ng 14 na Pilipinong nasagip mula sa isang scam hub sa Myanmar na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng paraan upang sila ay ligtas na maibalik sa Pilipinas.
Ayon kay DFA spokesperson Angelica Escalona, nakikipag-ugnayan na ang mga embahada ng Pilipinas sa Bangkok at Yangon sa Myanmar at Thailand para sa ligtas na pagtawid ng mga Pilipino patungong Thailand.
Sinabi pa ni Escalona na maselan ang proseso dahil sa dami ng mga dayuhang nasa border area.
Nabatid na ang 14 na Pilipino ay kabilang sa 222 biktima ng human trafficking na nailigtas sa Myawaddy, Myanmar. Ilan sa kanila ay nakatawid na sa Thailand habang ang iba naman ay pansamantalang nasa embahada sa Yangon.
Tiniyak din ng DFA na patuloy ang pagbibigay ng tulong at pangangalaga sa mga nasagip habang inaasikaso ang kanilang repatriation.
 
		 
			 
        














