-- Advertisements --
Inaasahan ang malaking umento sa presyo ng produktong petrolyo bago magtapos ang buwan ng Oktubre.
Kasabay ito ng paganunsyo ng mga kumpanya ng langis para sa ika-apat na pagtaas ng presyo ng petrolyo ngayong taon.
Kaugnay rito, tataas ng P1.20 ang presyo ng gasolina, P2.00 sa diesel at P1.70 naman sa kersone.
Ayon sa Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) nangyayari ang pagtaas ng presyo sa petrolyo dahil sa patuloy na giyera sa Russia at Ukraine, sabay na rin ang pagpataw ng US ng sanctions sa Russian oil.
Sa ngayon, umabot na sa hindi bababa sa P15.30 per litter sa gasolina, P17.70 sa diesel at P4.85 naman sa kerosene ang initaas ng mga presyo ng langis.
















