-- Advertisements --

Bumaba ang bilang ng naiulat na krimen sa bansa sa nakalipas na tatlong buwan, ayon sa Philippine National Police. 

Sa isang pahayag, bumaba ng 13.96% ang mga index crimes, mula 6,961 kaso (Hulyo 22,2025–Agosto 25, 2025) sa 5,989 kaso (Agosto 26–Oktubre 30, 2025). Bumaba rin ng 14.01% ang focus crimes sa parehong panahon.

Dagdag pa, mula Agosto 26 to Oktubre 30, 2025, nakapagsagawa ang PNP ng 9,061 anti-illegal drug operations — nagresulta sa pagkakaaresto ng 10,434 drug personalities, pag-neutralize sa 8 na iba pang drug personalities, at pagkakakumpiska ng ₱1.91 billion worth of illegal drugs.

Higit 11,500 wanted persons din naman ang naaresto o sumuko, habang mahigit 5,600 loose firearms ang nakumpiska o naisuko

“Walang lugar sa Bagong PNP ang mga pulis na hindi tapat sa serbisyo. Malinaw ang ating polisiya—zero tolerance sa anumang uri ng katiwalian at abuso. Hindi tayo magdadalawang-isip na tanggalin sa hanay natin ang sinumang sumisira sa dangal ng uniporme,” diin ni Acting Chief PNP, PLTGEN Nartatez.

Gayunman, mas lumalalim din ang ugnayan ng PNP sa mga LGU at iba’t ibang sektor, dahilan kung bakit mas mabilis ang reporting, mas epektibo ang operations, at mas tumataas ang public trust.