-- Advertisements --

Hinimok ng Commission on Filipino Overseas (CFO) ang mga gumagawa ng polisiya na isama ang diaspora engagement sa pambansa at lokal na plano ng kaunlaran, binigyang-diin na ang mga overseas Filipino ay hindi lang padala ng pera, kundi katuwang sa nation-building.

Ayon kay CFO Secretary Dante Ang II, dapat baguhin ng pamahalaan at iba pang sektor ang pananaw sa mga overseas Filipino bilang mga arkitekto ng progreso, tulay ng kaalaman, at tagapagdala ng identidad ng bansa.

Giit niya, ang positibong epekto ng migrasyon ay dapat palakasin sa pamamagitan ng tamang polisiya at pagtutulungan ng lahat.

Binigyang-diin ni Ang na may mga batas na sumusuporta sa diaspora participation tulad ng Dual Citizenship Law, Overseas Voting Law, at Balik Scientist Law, at nanawagan siya ng whole-of-society approach para sa mas inklusibong pag-unlad. (report by Bomb Jai)