-- Advertisements --
Sinabi ng Department of Health (DOH) na normal lamang ang pagdadalamhati kapag namatayan.
Ayon sa ahensya, maaaring tumagal ang pagluluksa ng anim na buwan hanggang isang taon.
“Sa pagkawala ng ating mahal sa buhay, normal ang makaramdam ng labis na lungkot at pagdadalamhati na maaaring maramdaman ng 6 na buwan hanggang 1 taon,” giit ng DOH.
Dagdag pa nito, iba-iba ang paraan nn ng paghilom, at paraan ng pag-balik sa mga karaniwang gawain sa kabila ng lungkot.
Paalala ng DOH, “kung kailangan ng kausap, tumawag sa NCMH Crisis Hotline 1553, may mga handang makinig at umagapay sa’yo.”
















