-- Advertisements --

Pinangunahan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpapauwi ng nasa 123 Pilipinong marino mula sa bansang Spain dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Mayroong 64 crew members ay mula sa Marella Celebration at 59 crew members naman ay mga miyembro ng MV World Odyssey.

Ang nasabing mga marino ay sinag ikaapat na batch ng mga Filipino crew members na pinauwi nitong Abril 2.

Magugunitang nakarating na sa bansa ang 454 crew members ng Norweigan Dawn and Star, 446 crew members naman ng Armonia, Meraviglia, Seaside at Divina cruise ship at 79 seafarers mula sa Carnival Pride, Carnival Panorama, Carnival Horizon, Carnival Breeze at MS World Odyssey na dumating sa Clark.

Sa pakikipagtulungan ng DFA sa Philippine Embassy sa Madrid, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at local manning agencies.

Bilang protocol ay sasailalim sa 14-days na quarantine ang mga napauwing marinong Filipino.