-- Advertisements --

Ipinagtanggol ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pansamantalang pagsuspinde ng Pilipinas sa pagpapawalang bisa sa kasunduan sa Amerika na Visiting forces agreement (VFA).

Sa pagharap ni DFA Sec. Teddy Locsin Jr. sa press conference, sinabi nitong hakbang mismo ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpigil sa naturang abrogation na magtatapos na sana sa taong ito.

Aniya maraming kinakaharap na usapin ang dalawang bansa ngayon, tulad ng COVID-19 at iba pang internal na isyu.

Umaasa ang DFA na mananatili ang matibay na military partnership ng Pilipinas at USA.

“We look forward to continuing our strong military partnership with the United States even as we continue to reach out to our regional allies,” wika ni Locsin.

Matatandaang iniutos mismo ng pangulo ang suspensyon ng VFA noong buwan ng Pebrero.

Sa sulat ngayon sa Amerika, nakapaloob sa pahayag ng DFA na ang suspension ay loob ng anim na buwan o depende na kung e-extend muli ng Pangulo.

Ang VFA ang kabilang sa basehan kaya umiiral ang taun taon na pagsasagawa ng war games para sa pagpapaibayo pa ng kaalaman at tulungan ng dalawang bansa.

Sa panig naman ng grupong tutol sa VFA, sinabi sa Bombo Radyo ni Atty. Virginia Lacsa Suarez na mula pa noong umpisa ay hindi raw sila naniniwalang seryoso ang Duterte administration sa VFA abrogation.

“That DU30 has always been not serious in terminating the unequal relationship between US and the Phils as reflected in VFA, is all the more made crystal clear now,” pahayag ni Suarez.