Nakarating na sa bansa ang bagong warship ng Pilipinas na bahagi pa rin ng pagsailalim ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa modernisasyon.
Pinangalanan ang naturang barkong pandigma na BRP Diego Silang na siya namang sinalubong ng iba pang mga warship ng bansa gaya ng BRP Jose Rizal, at BRP Miguel Malvar barko sa layong 14 nautical miles hilagang kankuran ng Zambales.
Ayon sa Philippine Navy, sasailalim sa mga huling preparasyon at ilan pang acceptance procedures ang barko bago pa maabilang sa mga listahan ng active fleet ng Pilipinas.
Samantala, layon naman nito na mas palakasin pa ang operational readiness ng Hukbong Dagat partikular na pagdating sa mga maritime domain protectionat iba pang kapabilidad para matiyak ang isang ligtas at rules-based na operasyon.