Kinumpirma ni Senate President Vicente Sotto III na ilipat sa PNP Custodial Center si dating Bulacan 1st district assistant engineer Brice Hernandez para sa kanyang kaligtasan.
Ito aniya ang kanilang napagkasunduan ni House Speaker Martin Romualdez.
Dagdag ng Senate President, ang Office of the Senate Sergeant-at-Arms (OSSA) ang siyang magbabantay dahil nasa kustodiya pa rin ng Senado si Hernandez kahit nasa loob ito ng pasilidad ng PNP.
Una nang pinatawan ng contempt si Hernandez sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee matapos magsinungaling sa kanyang pagsusugal sa Casino.
Inakusahan si Hernandez na gumamit ng pekeng pagkakakilanlan upang makapasok sa mga casino.
Ipinakita ng mga senador ang isang ID na inisyu ng Land Transportation Office (LTO) na nakapangalan kay “Marvin Santos de Guzman” ngunit larawan ni Hernandez ang nakalagay.
Gayunpaman, itinanggi ni Hernandez na pagmamay-ari niya ang naturang ID at iginiit na ginagamit lamang niya ang isang membership number upang makapasok sa mga casino.