-- Advertisements --

Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla na nakatakdang iharap sa Sandiganbayan si dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co sa lalong madaling panahon kapag nakabalik na ito sa bansa.

Ani Remulla, kapag nakapalapag na sa bansa si Co, agad itong dadalhin sa National Headquarters ng Philippine National Police (PNP) para sa pagsasagawa ng full inspection kabilang ang buong physical examination bago mabigyan ng otorisasyon para makadalo sa mga pagdinig sa mga nakabinbing mga kaso nito.

Kabilang din sa mga isasagawang proseso sa mambabatas ay ang pagkuha ng mugshot at iba pang mga booking and documentation procedures bago pa man siya tuluyang i-surrender sa Sandiganbyan para sa pagtalakay ng return of warrant of arrest laban sa kongresista.

Samnatala, nilinaw naman ni Remulla na hindi sa PNP Custodial Center nakatakdang idetine si Co at nakadepende sa magiging desisyon ng korte kung saan siya nakatakdang ilagay.