Isinawalat ng mag-asawang Sarah and Curlee Discaya ang umano’y malawakang korapsyon sa mga flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Lunes, Setyembre 8.
Ayon sa mag-asawa, paulit-ulit silang ginamit ng mga opisyal at mambabatas upang makakolekta ng 10% hanggang 25% na “kickback” mula sa halaga ng proyekto bilang kondisyon para hindi ito harangin.
Handa rin silang maging state witnesses sa imbestigasyon ng Senado.
Ilan sa mga pinangalanang ng mag-asawang sangkot umano ay sina:
Pasig Rep. Roman Romulo
QC Representatives: Arjo Atayde, Patrick Vargas, Reynante Arogancia, Marvin Rillo, at Marivic Co-Pillar
Marikina Rep. Marcy Teodoro
Bulacan Rep. Florida Robes
Aklan Rep. Teodorico Haresco
Romblon Rep. Leandro Madrona
Occidental Mindoro Rep. Leody Tarriela
Caloocan Rep. Dean Asistio
Zamboanga Sibugay Rep. Antonieta Yudela
Partylist Reps. Jojo Ang (Uswag Ilonggo), Nikki Briones (AGAP), Bem Noel (An-Waray)
Terrence Calatrava, dating undersecretary ng Office of the Presidential Assistant for the Visayas (OPAV).
Inaasahan ang pagpapatuloy ng imbestigasyon sa mga susunod na linggo.