Apektado na ng mahigit 300,000 hectares ang bushland sa Victoria, Australia dahil sa malawakang bushfire na pinalala ng matinding heatwave, ayon sa mga awtoridad noong Sabado.
Sa New South Wales, ilang sunog malapit sa border ng Victoria ang nasa emergency level na, ang pinakamataas na alert level, na halos umabot sa 40 Celsius ang temperatura, ayon sa Rural Fire Service.
Ayon sa mga awotidad, mahigit 130 istruktura na ang apektado, kabilang ang mga bahay, kung saan damay rin ang humigit-kumulang 38,000 tahanan at negosyo na nawalan ng kuryente dahil sa pinsalang dulot ng bushfire.
Ito na ang pinakamatinding sunog sa bansa mula noong 2019–2020 Black Summer fires, na tumupok sa lawak na kasing laki ng Turkey at ikinamatay ng 33 katao.
Nagpaabot naman ng babala si Prime Minister Anthony Albanese na humaharap ang Australia sa isang araw ng “extreme at dangerous” fire conditions, partikular sa Victoria kung saan malaking bahagi ng estado ang idineklarang disaster zone.
Bilang pag-iingat isinara na ang isinara ang maraming parke at campground sa Victoria at agad na iniutos ang page-evacuate sa mga residente sa lugar.
Patuloy ang heatwave warning sa malaking bahagi ng Victoria, at aktibo rin ang fire weather warnings sa maraming lugar sa bansa, kabilang ang New South Wales, ayon sa Australian weather bureau.












