-- Advertisements --
Malalaman ngayong araw ng Miyerkules ang desisyon ni Vice President Leni Robredo kung tatanggapin nito ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na mamuno sa laban kontra droga.
Sinabi ng kaniyang tagapagsalita na si Atty. Barry Gutierrez, na isasawalat ng pangalawang pangulo ang kaniyang plano at suhestiyon sa kampany kontra droga.
Hindi rin aniya pa nababasa ng buo ni Robredo ang dokumento dahil sa naging abala ito.
Dagdag pa ni Gutierrez na ang alok na posisyon ng Malacañang kay Robredo ay isang walang kuwentang posisyon.