-- Advertisements --

Inaasahan na matatapos ngayong araw ang pamamahagi ng honoraria para sa mga guro na nagsilbi sa katatapos lamang na eleksyon ngunit hindi pa kasama rito ang dagdag na 1,000 na inaprubahan kamakailan ng Department of Budget and Management (DBM). Nasa halos 800,000 ang mga gurong bibigyan ng honoraria.

Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia, on-track naman sila na dapat 15 araw pagkatapos ng halalan ay mabigay na ito sa mga guro.

Ang ilang mga rehiyon na nakakumpleto na sa pamamahagi ng honoraria ay ang Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region, at Eastern Visayas.

Sa kaugnay na balita, sinabi rin ni Garcia na mawawala na ang dagdag na 2,000 sa honoraria ng mga guro na magsisilbi sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) pati na rin ang tig-dalawang support staff dahil na rin sa Php 3-Bilyon na tinapyas sa budget ng COMELEC. Ang magiging budget na lang kasi ng poll body para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ay nasa Php 11-Bilyon.

Bagaman ito ay idudulog pa nila na huwag ng tanggalin dahil magkakaroon pa rin naman ng early voting hours sa Barangay and Sangguniang Kabataan Election (BSKE), ang tiyak ngayon sa budget ng poll body ay hindi na magkakaroon ng dagdag sa honoraria.