-- Advertisements --

Nalusutan ang Barangay Ginebra ang Blackwater 101-99 para mapalawig ang kanilang panalo sa tatlo sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.

Naging susi sa panalo ang pumasok na jumper ni Japeth Aguilar ng Ginebra sa natitirang isang segundo.

Nagtala si Aguilar ng 22 points at anim na rebounds habang mayroong 18 points at 10 assists si Scottie Thompson.

Mayroon ng limang panalo at dalawang talo ang Ginebra kung saan tabla na sila ng San Miguel Beermen habang ang Bossing ay mayroong isang panalo at anim na talo.