BUTUAN CITY – Normal lang ang ginawa ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa pagpapa-resign sa kanyang mga cabinet members na umano’y dahil sa kanyangginawang recalibration.
Ayon kay political analyst Atty. James Reserva, nakita ng pangulo na hindi maganda ang performance ng kanyang mga opisyal sa gabinete sa unang tatlong taon ng kanyang termino base na sa resulta ng eleksyon na nagpakita ng pag-reject ng mga tao sa kanyang liderato.
Upang makabawi, kanyang pinasumite ng courtesy resignation ang kanyang mga cabinet secretaries habang ini-evaluate ang kanilang performance at kung m ay naganap na kurapsyon.
Ngunit ang problema umano dahil ang noo’y kaaway ng partidong Alyansa ng Pagbabago na syang line-up ng mga Duterte na tinuturing na underdog kumpara sa pambato sa administrasyon, sy syang pinapaboran ng karamihang mga Filipino.
Ito umano ang dahilan na nag-iba ng game plan ang administrasyon gamit na ang mga bagong ilalagay na mga players sa pagnanais na maibibigay sa sangkata-uhan ang matagal na nilang minimithing epektibong serbisyo sa kabila ng kaliwa’t kanang mga ayudang ibinigay ng gobyerno.
Nasa panic mode umano ngayon ang administrasyon matapos na hindi umobra ang kanilang game plan simula noong pinapa-impeach nila si Vice President Sara Duterte na sinundan naman ng pagpapahuli sa ama nitong si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Nadagdagan pa umano ang momentum ng mga Duterte nang ihayag ni VP Sara na magkakaroon ng bloodbath sa kanyang impeachment trial na ikinababahala ngayon ng administrasyon dahilan sa kanilang ginawang radical adjustment.