Maraming mga fans nina Derek Ramsay at Ellen Adarna ang nahihiwagaan sa tunay na relasyo ng dalawa.

Ito ay matapos ang makailang beses na magkasama ang dalawa.

Pinakahuli ay kasama ng dalawa ang anak ng sexy actress.

Makikita kasi sa Instagram account ng actor ang larawan ng sexy actress habang kasama ang 2-anyos na anak nito kung saan kapansin-pansin na parehas umano ang kulay na suot ng damit ng dalawa.

Ni-repost naman ni Ellen ang nasabing post din nito ng actor.

-- Advertisement --

Magugunitang sa pagsisimula pa lamang ng 2021 ay ginulat ng dalawa ang kanilang fans matapos na magkasama ang mga ito sa iisang bahay.